Martes, Abril 18, 2017

5:41 PM 0

I'm Finally Admitting That I Regret Losing You

(cto)
I'M SORRY, IT TOOK ME A YEAR TO REALIZE IT.







I cried myself to sleep last night.

I realized that I still have your favorite song on my playlist. I was on my way to the office when it suddenly played. I remembered how you eagerly introduced that song to me. Telling me that the singer was also one of your favorite artists. We shared a lot in common, from Indie songs and Indie movies, art exhibits and art museums to how we should respect every person's outlook in life.

You became part of my everyday routine. Asking how your day was, how bothered you were when your kid neighbor's kitten was lost. Or how you are handling things being alone and independent. I kept sharing to you my new discovered songs and my favorite movies, in return, you share your favorite songs and will give me your insights about its music videos.

I felt you were like my soul mate, because there are a lot of things that we were compatible of. But we had no labels. I may say that we're part of the "almost-dated" relationships. Almost there but never was. Almost said yes but never did. Almost said those three words but was too afraid to do so. Who's fault was it? I am now admitting it's not yours.

It has been a year since we last had our online conversation. I scrolled back from the very beginning. From the very first time you said, "Hi" and I shared to you my then happy song "Sila" by SUD. I time-travelled back to the very first day I felt so comfortable sharing to you each and every random stuff that's juggling on my mind. You we're always there through my randomness.

I cried myself to sleep last night.

Not just because I'm missing you. But also because I regret losing you. I was the coward one. I was too afraid to try... to give myself a chance. To believe that maybe this time, with you, it will work. That you are the story I was hoping for, the one I wished for. But, no, it will not be possible anymore. You are happy now.

No, I'm not bitter. I'm actually happy for you, because finally, you found someone you could share your adventures with. Someone who will always be there when you need her. A companion. You now have a reason to smile.

You will always be my favorite "What If".
'Til then.


-Cxx

Sabado, Enero 28, 2017

6:45 AM 0

Sa Wakas (Gabbi)



Sa wakas tayo nag-umpisa
Huli ninyong magkasama'y una nating dalawa
Ako ang tauhan sa sumunod na kabanata
Hindi sinadyang pumangalawa sa kuwento ng iba

Sabi ng iba'y mali na tayo'y mag-kasama.
Hindi dapat ako ang yakap mo sa tuwina,
'Di tamang kamay ko ang humahaplos sa'yong mukha.
Kailan nga ba mali na magmahal ng iba?

Paano kung hindi ka na masaya sa kanya?
Di ba't di ka naman titingin sa iba 
Kung tunay ngang mahal mo pa siya?
Sa kuwento'ng ito, sino nga ba ang biktima?

Ako raw ang higit na dapat magparaya,
Mali nga bang ako ri'y maging maligaya?
Paano ako na tunay ring nagmamahal?
Sa inyo nga bang dalawa'y ako'y sagabal?

Dapat nga bang ito'y ipaglaban pa?
O umpisa pa lang ng laban ako'y talo na...
Ako'y hahakbang nang papalayo.
Sa wakas, magpaparaya na ang wasak kong puso.

Martes, Enero 24, 2017

3:25 AM 0

Sa Wakas (Lexi)

Sa Wakas The Musical

Sa wakas tayo nag-umpisa.
Unti-unting binalikan ang mga ala-ala.
Pasulyap na tinanaw ang nakaraan,
Paano nga ba'ng narating ang hangganan?

Sa wakas natin inumpisahan ang kuwento,
Ang istoryang biglang nagkaroon ng dulo.
Inisa-isa ang mga pangangailangang 'di napunan
Pati mga araw ng tunay na pagmamahalan.

Nag-baka-sakaling makita ang pagkakamali
Paano'ng ika'y bigla na lang sa iba nabighani?
Maaari pa nga bang mabuo tayong muli?
O sadya ngang tapos na'ng mga masasayang sandali?

Huli nating dalawa'y una ninyong magkasama.
Marahil nga'y patapos na ang ating kabanata.
Ngunit dapat na nga bang sukuan na lang?
Limutin lahat ng ating pinagsumpaan?

Ang wakas nating dalawa'y narating na.
Pagmamahalan na dulo'y 'di naging maligaya.
Marahil 'di nga sapat na naibigay mo nang lahat.
Sa huli'y para sa kanya 'di pa rin 'to naging sapat.

Martes, Oktubre 18, 2016

7:56 PM 0

Mula Sa Prinsesang Nag-iisa


Oo, isa nga ako sa kanila
Mga taong nag-mahal, nasaktan pagkatapos ay nagtayo ng bakuran.
Ninais kong pangmataglang protektahan ang aking sarili
Nilayuan ko ang lahat ng maaaring makapanakit
Umiwas ako sa lahat ng posibilidad na maaring lumago't lumaki
Pinagtataguan ko ang mga pakiramdam na 'di ko na nais pang muling maranasan
Aaminin ko nang sa totoo'y ito lang ang tangi kong gustong maramdaman
Dahil gaya nga ng iyong sinabi, nais ko ring ako'y yakapin
Na ang emosyon ang pinakamagandang regalo sa tao
Na kahit madalas ito ma'y kalakip ang sakit,
Matapos ang aking pagpikit ay may kasiyahang kapalit.

Sabi mo'y hindi mali ang matakot
Na hindi mali ang mag-tayo ng kastilyo na malayo sa mga delubyo
Muli ay aaminin ko'ng matapos ang paglagay ko sa huling bloke
Ng paraisong itinayo ko para sa aking sarili...
Wala ako ni isang giyera'ng naipanalo.
Hindi ko nagawang lumayo sa bagyo.
Nakalimot ako na ang tadhana'y naglalakbay.
Tama ka, hindi ako nanalo noong pinilit ko'ng ilayo ang sarili ko.
Dahil ang pag-layo ay hindi pag-laban.
Na inakala ko mang naroon ang katapangan, bali-baliktarin man ang lahat,
Ang pag-takbo'y kaduwagan.



Kaya't heto na, ako'y muli nang sasama sa'yo
Bababa ako sa kastilyo kong itinayo
Upang makita ang mga ulap sa gitna ng ulan
Sasama ako'ng muli sayo'ng pag-lapit sa papalubog na araw
At aabutin natin ng sabay ang dulo nito, 'di na 'ko muling papasilaw
Hahawak ako sa iyong mga kamay habang tinatahak ang kalsadang tinakbuhan ko noon.
Kakapit ako sa'yo ng mahigpit habang nilalakbay ang tadhanang pilit ko'ng iniwasan.
Babalikan ang mga ala-alang pilit kong kinalimutan
Habang ika'y kayakap at kasabay sa bawat hapunan.
Yayakapin kong muli ang lahat ng sakit nitong kaakibat
Ako'y muling magtitiwalang 'di darating  ang araw na 'di na ikaw ang katabi sa pagmulat

Manonood tayo ng mga pelikula
Kahit 'wag na natin higitan sila Popoy at Basha,
Gumawa tayo ng bagong storya'ng tayong dalawa ang mismong bida.
Basahin natin ang lahat ng nais mong libro't lathala.
Sabay nating pagmasdan ang paglubog ng araw sa may dalampasigan,
Hanggang sa paglabas ng mga nagnining-ning na bituin at buwan.
At titingin lamang ako sa'yo, panonoorin kitang mamangha.
Wala nang ibang haharang, maging ulap man o ano pang takip sa kalangitan
Dahil ikaw na mismo ang sumangga at buong tapang na lumaban.
At sana nga, bago pa man mawala ang lahat ng mga ito ay makita ko...
Na wala sa taas ng kastilyo ang pag-ibig.


"Kahit 'wag na natin higitan sila Popoy at Basha,
Gumawa tayo ng bagong storya'ng tayong dalawa ang mismong bida."


Na ika'y nariyan lang na handa akong samahan,
Maging gaano man kahirap ang pagsubok na dumaan,
Hindi ka aalis at basta na lang akong muling iiwan.
Hindi na muli tayong dalawa'y hahantong sa hangganan
Salamat dahil ako'y iyong sinagip
Ika'y muli kong yayakapin, Pag-Ibig.



Muling magmamahal,
Prinsesang Nag-iisa.

(Photos from Gising MV - Autotelic) Inspired by "Sa Prinsesang Nag-iisa" written by Ink https://www.facebook.com/betsinarts/posts/509917045881717

Huwebes, Agosto 11, 2016

1:44 AM 0

Ayoko Sa Ulan

(C)



Ayoko sa ulan, oo, tama, ayoko sa ulan
Mga patak ng luhang mula sa kalangitan
Nagpapahiwatig; nagpapaalala
Mga alaala'ng dapat'y matagal ng wala
Sa isipa'y sumasaglit, bumabalik,
Nagpapaalala; nagpapahiwatig.

Ayoko sa ulan, oo, tama, ayoko sa ulan
Kulog na malakas at dumadagundong
Pinapaalala sakin iyong malambing na bulong,
"Wag mag-alala mahal, sakin ika'y kumapit lang
Wag kang bibitaw, kulog at kidlat,
Panigurado, sakin sila'y walang binatbat." 


Ayoko sa ulan, oo, tama, ayoko sa ulan
Lakas nito'y dulot ang putik at baha,
Panahong tayo'y magkasama pa
Ibinabalik saki'ng gunita.
Sa ula'y sabay sa pagtakbo at tampisaw
Hawak iyong kamay, parang isang sayaw.

Ayoko sa ulan, oo, tama, ayoko sa ulan
Saki'ng gunita, tag-ulan ng ako'y iniwan
Walang paalam ika'y biglang lumisan
Pangako mo'ng kailanma'y di bibitawan
Iyo'ng pinakawalan kasabay ng ulan
Ayoko sa ulan, panahong sobrang nasaktan. 



-Cxx

Lunes, Hunyo 27, 2016

4:26 AM 0

Gusto Ko Na Rin Sanang Lumaya


Gusto ko na rin na palayain siya. Gusto ko nang maka-laya sa ala-ala naming dalawa.


Oo, pagod na 'kong umiyak. 
Hindi na kinakaya ng katawan ko ang pagpigil sa pagtulog nang dahil lamang sa pag-iwas ko'ng makita ang kanyang gunita sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Nakakapagod nang magising ng alanganing oras na halos hindi maka-hinga sa pag-hikbi at pag-luha dahil ala-ala naming dalawa ang saki'ng panaginip ay nakikita.

Nais ko nang patawarin siya. Kalimutan ang lahat ng hirap at sakit at kaligtaan na minsa'y umasa ako sa mga pangako niya. Na ang sinabi niyang Walang Hanggan noon, ngayon ay natapos na. Na baka sakali nga'ng 'pag napa-tawad ko na siya'y maiintindihan ko na kung bakit may bagay na bigla na lamang mawawala sa'yo kahit ginawa mo na ang lahat ng pag-iingat wag lang may mang-yaring masama rito. O kung paanong nag-kulang ka pa sa paningin niya kahit alam mo, na para sa'yo, binigay mo na ang lahat. Na naibigay mo na ang sobra kahit hindi pa niya hinihingi ito.

Oo, pagod na 'kong bigla na lang matigilan sa gitna ng trabaho para lamang alalahanin ang sakit ng nasira niya'ng pangako. Ang mga salita niyang "Ikaw lang wala ng iba"  na ngayon ay para bang isang sumpang matagal kong pinaniwalaan. Siguro nga'y kapag napatawad ko na siya, makakapag-isip na ako ng maayos. Gaya ng dati. Gaya nung una, noong mga panahong hindi pa ako takot sa salitang pag-ibig. Noong kaya ko pang tanggapin ang lahat ng walang pag-aalinlangan. Noong kaya ko pang mag-mahal ng wala ang mga katanungang; Hanggang kailan kaya ito? Kaya ko bang masaktang muli?

Oo, pagod na 'ko sa mga kanta'ng tila bang sinulat para sa kwento naming dalawa. 
Yung bawat letra na parang sumasaksak sa dibdib ko, yung bawat pangungusap na tila bang bumubulong ng masasakit na sinabi niya, ng mga pait na naramdaman ko sa pag-iibigan naming ito. Mga ala-alang sa bawat himig ay muli kong nagugunita, kasabay ng mga kasawian ay bumabalik rin ang mga masasayang pinag-samahan. Lahat ay muli kong dinaramdam at hinihiling na sana'y muling matamasa. Gusto ko nang patawarin siya para naman sa susunod na marinig ko ang mga kantang iyon ay balewala na lamang sa akin. Na kayanin ko nang muling sabayan ang mga masasayang himig at letra.

Oo, pagod na 'kong paulit-ulit sambitin ang mga katagang: "Hanggang dito ba naman paghihintayin mo ako?" o "Buti pa dito may Forever" sa tuwing dadaan ako sa EDSA. Ayoko nang hilingin na sana pati siya hindi pa rin nakakalimot, na hindi pa rin sana siya maka-usad. Pero huli na, may bago na siya. Kaya ako ngayon yung naiwang mag-isa, nag-aabang, naghihintay. Hindi kasi siya nag-paalam, hindi niya sinabi kung bakit. Basta na lang nangyari, bigla na lang siya nawala ng walang pasabi. Gusto ko nang ibigay yung kalayaan na hinihingi niya. Gusto ko nang isama sa lahat ng usok at alikabok sa EDSA ang mga luha ko na nasayang para sa kanya. Na sa pag-usad ng daloy ng trapiko, sana kasabay na rin ang pag-usad sa lubak na kalsada ng buhay ko kasama siya.

Oo, pagod at puyat na puyat na 'kong unawain kung paanong nangyari'ng masaya na siya samantalang ako, heto, hirap na hirap at umiiyak pa rin. Heto ako'ng takot na takot na muling masaktan at hirap na hirap nang muling magtiwala. Paano nga bang yung taong pinaglaanan mo ng buong puso't kaluluwa mo'y bigla na lamang nawala sa'yo? Ano ba'ng mali? Ano nga ba'ng naging kulang? Kapag napatawad ko na siya, baka kayanin ko nang muling mag-tiwala. Mag baka-sakali at hayaan ang puso kong muling maging masaya.

Oo, pagod na 'kong bitbitin ang mga bagahe na ito ng mag-isa. Sawang-sawa na kong gumapang para lang patuloy na pasanin ang pinag-samahan naming dalawa. Hindi ko na 'to kaya'ng isalba pa. Gusto ko nang tanggapin na tapos na lahat, wala nang saysay upang magpakahirap pa ako sa pagdala ng mga bagahe'ng ito. Gusto ko nang palayain siya para maramdaman kong muli kung paanong tumakbo ng walang bigat na pinapasan. Kung paanong muling mag-lakad ng hindi inaalala na baka sa isang hakbang ako'y madapa. Gusto ko nang muling lumipad at maranasan ang tunay na saya.


Bibitawan ko na siya. Palalayain ko na ang lahat sa aming dalawa.


Alam ko na hindi magiging madali kalimutan lahat ng galit at pait na nagpabago sa buo kong pagkatao. Ang nagpaguho sa mundo ko at nagpasira ng pananaw ko sa buhay na ito. Patatawarin ko na siya dahil gusto ko na ring patawarin ang sarili ko. Mula sa lahat ng sakit na ininda ko para lamang sa pagmamahal ko sa kanya. Sa lahat ng hirap na binalewala ko mapasaya lamang siya. Lahat ng masasakit na salitang tinanggap ko wag niya lamang marinig ang sinasabi ng iba na hindi maganda. Patatawarin ko na siya upang mapatawad ko na ang sarili ko sa lahat ng bagay na aking ginawa para lang maging katulad ako ng iba. Binago ko ang lahat maging ang kung paanong mas gusto ko ang liwanag kesa sa dilim.


Handa na ako'ng mag-patawad. Palalayain ko na siya.


Hindi ko makakalimutan ang lahat. Mananatiling may pagmamahal para sa kanya dito sa aking isipan at puso, ngunit panahon na para ako'y umusad. Hindi ko na muling hahayaang bumalik ang lahat ng sakit. Sabay sa aking pag-usad ang pagtanaw sa maliwanag na daan na nagpapahiwatig na siya'y tuluyan nang magiging isang ala-ala na lamang.

Sobrang pagod ko na, patatawarin ko na siya. 
Sana sa pagpapatawad ko sa kanya'y maunawaan ko na may mga tao na sadyang darating upang maging bahagi ng aking kwento, magsulat ng masasayang ala-ala at gumuhit ng mga masasakit na larawan upang ako'y matuto. Hindi man sila ang makakasama ko sa dulo ng istorya'ng ito, mapapaunawa naman nila sakin kung gaano kahalaga ang buhay ko. Para sa aking sarili at para sa mga taong nasa paligid ko.  Pati na rin sa mga paparating na tauhan nito'ng aking kwento.

Patatawarin ko na siya. Palalayain ko na ang sarili ko.
Hahayaan ko nang Tadhana ang magpasya, maniniwala ako na mayroong nilaan sa akin ang Maykapal, isang taong nakatakda upang unti-unti at muli akong mabuo ng tunay na pagmamahal niya. Isang pag-ibig na hindi man gaya sa mala-telenobelang istorya ng iba ay tapat naman at sapat.

Patatawarin ko na siya. Lalaya na ako.


(My answer for Minsan Okay Lang Ma-traffic page's "Lumaya Ka Na")

Sabado, Hunyo 25, 2016

4:27 PM 0

Paalam, Pag-Ibig


Sabay sa pagpatak ng ulan 
Ang liwanag sa arawan
Tila isang pahiwatig
Ito'y parang pag-ibig 
Sala sa init, sala sa lamig
At sa isang maling kabig,
Mangilang salitang di mo nasambit
Pamamaalam ang kapalit


-C××